Maagang paglaya ng mga bilanggo, pinanukala ni Sotto, Lacson, Gordon

Kasalukuyang inaapila ng Presidente ng senado na si Vicente Sotto III at ang mga senador na sina Panfilo Lacson at Richard Gordon ang panukalang batas na nagsusulong ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) para sa mga pres na siyang nagbibigay daan sa maagang paglaya ng mga ito maging ano man ang kanilang kaso o haba ng sistensya

Ipinasa ng tatlong senador ang Senate Bill No. 993 noong lunes, ito ay kasunod ng pagkabatikos ng ahensya dahil sa inaasahang paglaya ng dating  Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez dahil sa kanyang naipong GCTA bilang hatol ng Supreme Court noong Hunyo.

Habang maraming mga bilanggo ng New Bilibid Prison (NBP) ang naghain ng petisyon na kumuweatiyon sa implementing rules and regulations (IRR) ng RA 10592 na naipatudap noong 2013 upang mabigyan ng pagkakataon ang ibang mga bilanggo, dahil sa mga naipon na GCTAs na hindi na mapapabilang, na siyang inaprubahang ng Mataas na Kapulungan.

Sinabi rin ni Minority Senator Risa Hontiveros, na sa kanyang palagay ay kailangan ayusin ang mga regulasyon ng batas na naipasa dahil maaring magakaroon ng abuso sa measure’s application ng naturang batas.

Samantala, naglabas ng pahayag ang Malacañang na labas sila sa maagang paglabas ng mga preso at sa ilalim ng Konstitusyon ang presidente lamang ang may kakayahang mag-apruba o maggawad ng maagang paglaya ng mga bilanggo. 

Leave a comment