Ayon sa Metro Manila Developement Authority(MMDA), tinatangka nila na gumawa ng proyekto para sa flood o ang sa tagalog ay ‘baha’. Tinatawag nila itong ‘The Master Plan’. Tinatarget nila na bawasan ang kahinaan at dagdagan ang lakas laban sa baha.

Sa aking palagay ang proyekto na isinasagawa nila ay malaking tulong para sa lugar nila. Maiiwasan nila ang mga disgrasya at makakapagmaneho ng maigi ang mga tao. Makakatulong rin ito para hindi kumalat ang mga dumi. Kung gagawin nila ito, mas mapapadali ang pang araw-araw ng mga naninirahan doon.
Ayon ka ba sa proyekto o hindi?