20 menor de edad, Nasagip

20 menor de edad ang nasagip sa isinagawang suprise inspection ni Mayor Isko Moreno sa tondo nitong lunes.Dismiyado si Mayor Isko dahil sa mga batang nahuhuli tuwing di-oras ng gabi na pakalat kalat lang ang iba dito ay nahuling umiinom ng alak at gumagamit ng solvent.

Simula Lunes, mas istrikto nang ipatupad ang ordinansa sa curfew.Ayon kay Moreno, ipapatawag nya ang mga pulis at paguusapan nila ang curfew para sa mga menkr de edad.Nag paalala na din si Moreno sa mga magulang na bantayan at gabayan lagi ang kanilang mga anak. 

Ipinag-utos ni Manila Mayor Isko Moreno ang mahigpit na pagpapatupad ng ordinansa sa lungsod na nagtatakda ng curfew para sa mga menor de edad.Inatasan ni Moreno ang lahat ng punong barangay,Manila police,Police district,at Manila department of social welfare na magsumite ng ulat kada linggo ukolbsa pagpapatupad ng ordinance no. 8547

     “In order to achieve the welfare of minor children in the city, all punong barangay’s are hereby ordered to strictly implement city ordinance no. 8547 in their respective areas of jurisdiction.Accordingly,they shall submit a report every monday on the status of its implemention” ayon sa memorandum.

Sa ilalim ng Ordinance No.  8547, ipinagbabawal ang paggala ng may edad 17 pababa sa mga pampublikong lugar simula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw.  Nasa P2000 ang multa sa guardian ng violator na may edad 15 hanggang 17, P3000 sa guardian ng violator na may edad 13 hanggang 14, at P5000 multa at 6 buwang pagkakakulong sa gurdian ng violator na 12 anyo pababa.Mga magulang gurdian ang nalalarusahan kapag nahuking lumalabag sa ordinansa ang mga menor de edad.

Leave a comment