Amazon Rainforest, nanganganib

Patuloy na natutupok ang tinaguriang “Lungs of the Earth” na Amazon Rainforest na matatagpuan sa Brazil, ito ngayo’y nasusunog na ng mahigit tatlong linggo dahil umano sa climate change, deforestation at maaaring sinadya.

Nanggagaling sa Amazon ang 20% oxygen ng ating mundo, ang mga puno rito ay tumutulong sa pagbawas ng carbon dioxide, ito rin ang isa sa mga pinakamalaking biodiversity ng ating mundo at nagsisilbing tahanan sa maraming endangered species.

Lahat ng tao ay nababahala, maraming kilalang personalidad ang nagbigay ng tulong tulad ni Justin Bieber at Gigi Hadid na parehong nagpadala ng eroplanong may dalang tubig, marami ring artista ang dinaan sa social media ang kanilang tulong.

Si Leonardo DiCaprio naman ay nagpadala ng limang milyong dolyar sa pamahalaan ng Brazil.

Samantala, sinasabing ang pangulo mismo ng Brazil ang may pakana ng sinasabing sadyang pagkasunog, ito at balak na patayuan ng mga imprastruktura.

Leave a comment