SHANTAL CUIZON: “COMPOSER KA LANG”


Shantal Cuizon, isang kalahok sa segment ng showtime na ‘Tawag Ng Tanghalan’, nanghingi ng tawad kay Sir Louie Ocampo matapos ang kanyang makabuluhang tweet na “Hustisya” at “Composer ka lang”. Dahil ito sa komenta sa kanya ng huradong si Louie Ocampo.

Shantal Cuizon’s tweet

Lagi namang mahigpit ang mga hurado pagdating rito lalo na’t isa itong singing contest kaya asahan na nating ang kanilang payo at komento ay eksperto.
Naging mahirap para kay Shantal na tanggalin ang komento sa kanya ng hurado at composer na si Ocampo. Tila hindi nagustuhan ni Louie Ocampo ang performance ni Shantal.


Dahil dito ay nailabas ni Shantal ang kanyang saloobin sa kanyang Twitter account. Umani ito ng iba’t ibang reaksiyon at sinabing mali ang ginawa nito.
Sa huling araw ng semi-finals, nung nakaraang Sabado ay binuksan ni Vice Ganda ang pahayag ni Shantal at mabigyan ng pagkakataong magpaliwanag at humingin ng tawad.


“Naghalo-hali lang po yung emosyon ko kahapon, pagod, stress, puyat, pressure at iba’t ibang tao. Siguro kaya po nasabi ko po iyon. Pero ngayon, hinihingi po ako ng sorry po sa nasabi ko po kahapon sa Twitter… Sir Louie Ocampo, sorry po.” Naluluhang pahayag ni Shantal on-air.
Nagbigay rin ng pahayag ang host na si Vice Ganda na na-offend rin siya sa tweet no Shantal dahil sa pagpaparinig nito sa kinabibilangang show.


Bandang huli, hindi rin nanalo si Shantal at hindi nakapasok sa grand finals ng ‘Tawag Ng Tanghalan Season 3’

Leave a comment