4 na chinese drug lords pinalaya ng BuCor

Apat na chinese drug lords ang pinalaya ng Bureau of Corrections (BuCor) nitong nakaraan Hunyo. Ito ang ibinunyag ni Senador Lacson base sa nakuha niyang kopya ng mga bilanggo na nakalaya mula sa New Bilibid Prison at apat sa mga ito ay chinese drug lords na nahatulan dahil sa ilegal na droga. At sabi pa ni Lacson na nakapiit ang mga dayuhan sa Building 14 ng Maximum Security Compound ng bilibid at inilipat sa Bureau of Immigration and Deportation.

Hindi tiyak ni Sen.Lacson kung pinakawalan ang apat dahil sa Good Conduct Time Allowance. Nais malaman ni Sen. Lacson ang basehan ng BuCor sa pagpalaya sa apat na chinese drug lords at nais din alamin kung may kapalit na halaga ang pagpapalaya sa mga bilanggo o dumaan ba talaga sila sa tamang proseso.

Leave a comment