KAUNA-UNAHANG CONCERT NG NU’EST DITO SA PILIPINAS

Noong Sabado ng gabi ay ginanap ang kauna-unahang concert ng NU’EST sa Araneta Coliseum.

Ang kanilang mga taga-hanga o L.O.Λ.Es (love) ay nagsidalo sa kanilang kauna-unahang concert dito sa Pilipinas. Nasiyahan ang kanilang mga taga-hanga sa concert na ito kahit na ilang oras na silang nakatayo at sinusuportahan ang buong grupo habang hawak-hawak ang kaniya-kaniya nilang ‘lightstick’.

“As we performed, we were also able to receive more energy and we were able to enjoy our performances even more.” Pahayag ni JR, ang nag-iisang lider at main rapper ng grupo.

“I really had so much fun. While we were singing and dancing, we saw you guys smile and watch us and also scream for us, so we were able to enjoy our performances.” Dagdag na pahayag ni Minhyun, ang pinakasikat sa kanilang grupo.

Sa bawat pag-abot ng matataas na nota ni Baekho ay mas lalong humahanga sa kanya ang mga L.O.Λ.Es

Samantalang, ang kanilang mga taga-hanga ay mas lalong humanga sa ganda ng boses at nakakamanghang kagwapuhan ni Minhyun. Para sa kanyang solo stage, itinanghal ni Minhyun ang “Universe”.

Lahat ng mga miyembro ay may kani-kaniyang solo performance na itinanghal. Itinanghal ni Ren ang kanyang solo performance na “Paradise” at itinanghal naman ni Aron ang kantang “Good Love”. 

Mas lalong nagwala ang kanilang mga taga-hanga ng itinanghal ni JR ang kanyang solo performance na “I Hate You”.

Ang concert na ginanap dito ay parte ng kanilang “Segno” tour na ginanap na din sa Thailand,  Hong Kong, Indonesia at Singapore.

Leave a comment