Kasabay ng modernisasyon ang pagusbong ng teknolohiya sa mundo ngayon. Sa pagusbong nito umusbong din ang internet, ngunit ano nga ba ang internet?
Ang internet ay isang sistema na ginagamit nang buong mundo upang mapagkonekta ang mga kompyuter o grupo ng mga kompyuter na dumadaan sa iba’t-ibang klase ng telekomunikasyon katulad ng linya o kable ng telepono, satellites, at ibang komunikasyon na hindi gumagamit ng kable(wireless) na kung saan ang mga iba’t-ibang impormasyon ay mapaparating at mababasa ng publiko.

Sa panahon ngayon hindi lamang kompyuter ang makakakonek sa internet kundi pati ang mga makabagong teknolohiya katulad ng mga tablet computer, mga cellphone, at marami pang iba.
Ngunit ano nga ba ang pagkakaiba ng internet at social media? Ang social media ay kakambal ng internet. Ito rin ang ginagamit para makipagugnayan sa ibang tao. Lagi na ginagamit ng mga estudyante ngayon sa maraming bagay tulad ng pagsasaliksik ng mga datos para sa takdang aralin at mga proyekto. Ginagamit din ang social media para makapanood ng mga bidyo, at makapaglibang.

Ang facebook, instagram, twitter, snapchat, telegram, skype, ay iilan sa nasabing app na ginagamit sa social media, ngunit facebook ang nakahihigit na ginagamit sa Pilipinas.Halos ng mga pilipino ay laging babad sa social media at updated sa mga trending topics at sa mga trending foods.
Hindi kapani-kapaniwala ang bilis ng paglaganap ng impluwensya ng social media sa buhay ng mga tao.Pinagtitibay lang nito ang isang aspeto ng kultura natin, ang pagpapahalaga natin sa pakikipagugnayan.