Masarap at masaya ang buhay ng teenager!Ngunit mayroon din namang mga naprepressure at nahihirapan o tinatawag na stress o tensyon.
Ayon kay Dr. Arien van der Merwe, isang eksperto sa stress, kung ano ang nangyayari sa katawan kapag nai-stress.Gumagawa agad ito ng “napakaraming neurochemical at hormon na mabilis na dumadaloy sa buong katawan, anupat inihahanda ang bawat sistema at sangkap ng katawan sa pagharap sa emergency.” Sa ibang salita magagawa mo lahat ng hindi mo akalaing gawin,lahat ng iyong pandama kasama na ang paningin, pandinig, at pandama ay gumagana.At laging mataas ang adrenaline posibleng manakit ang iyong likod, ulo, leeg, at mga kalamnan.
Malaki ang epekto ng stress sa lahat ng aspekto ng ating buhay mental, pisikal, emosyonal, at espirituwal kaya kailangan nating malaman kung paano ito makokontrol.Malaki rin ang epekto kung magtatagal ang stress tulad ng pananakit ng ulo, Pagngangalit ng ngipin, pananakit ng leeg, sakit sa puso, ulser, pananakit ng likod, pananakit ng kalamnan.
Narito naman ang epekto ng stress pagkakasakit,pagkasagad ng emosyon, di pagkakatulog, depresyon, nasirang ugnayan. Kapag hindi na kinakaya ng isang teenager ang stress pumupunta na ito sa puntong depresyon kung saan naiisipan nilang magpakamatay.